Friday, December 25, 2009

Paaso aso

BWISET!

Yan lang ang masasabi ko ng dalawin namin ang NBI sa Monumento para kumuha ng alam mo na.

Ang daming tao. Daig pa ang Quiapo at Divisoria.

Pag huminga ka ng seryoso maamoy mo na ang hininga ng mga tao sa paligid mo.

Buti na nga lang walang umutot sa crowd e. Kung hindi, stampede ang kalalabasan... hahaha!

Pano ba naman kasi linipat ang NBI mula Carriedo pa Monumento.

Lagpas 1 week rin ata nag sara.

Kaya naipon yung mga taong nangangailangan.

Natapos kami ng 5:30,

Sarap sa Pakiramdam...

Yung mga karanasan namin run ay di na dapat binabalik balikan at kinekwento pa.

What's more important is the word pa aso aso.

na napauso dahil sa tusong pagkakataon nga naman namin doon, pauso ni ARNEL...

PAASO ASO, PAASO ASO...

But what does it exactly mean?

Iba iba e...

At hindi kayang ipaliwanag yun dito ng isang upuan lang...

Kung ikaw ay nandadaya sa pag pila, isipin ang iyong sarili bago sa iyong mga kaibigan ikaw ay masasabing paaso aso...

Kung ikaw ay namamahiya ng kaibigan upang mag papansin ikaw ay masasabing paaso aso...

Kung di mo iniisip ang mga feelings ng mga tao sa paligid mo para lang maka pag papansin or maka pag pasikat, ikaw ay masasabing paaso aso...

Kung ikaw ay na tatanga at TH na napagtritripan ikaw ay masasabing paaso aso...

Kung ikaw ay nang iiwan sa LRT ikaw ay OO, paaso aso ka! hahaha!

Kung puro ka palibre pero ikaw mismo ay walang balak manlibre ikaw ay paaso aso...

Kung ikaw ay nag mamagaling at pasikat na di mo matanggap maging sa iyong sarili ikaw ay masasabing paaso aso...

Kung ikaw ay mapang lait, matapobre at nang mamata ikaw ay paaso aso...

Kung ikaw ay mahilig mang lamang ng kapwa ikaw ay paaso aso...

Kung ikaw ay natutuwa sa mga masamang nangyayari sa isang tao ikaw ay paaso aso...

Kung ikaw ay di sumipot sa tamang oras na napag usapan ikaw ay masasabing paaso aso...

Kung ikaw ay nangga gamit ng tao para sa sarili mong kapakanan ikaw ay masasabing paaso aso...

Kung ikaw ay nangunguripot upang makapang gulang ikaw ay masasabing paaso aso...

Kung ikaw ay tulala at parang nakikipag sapalaran sa kalawakan sa gitna ng daan ikaw ay masasabing paaso aso...

Kung ikaw ay umaarteng parang aso syempre walang dudang ikaw ay paaso aso...

Kung ikaw ay natatanga sa mga simpleng bagay ikaw ay masasabing paaso aso...

Kung ikaw ay walang konsensya sa panloloko ng mga babaeng di dapat lokohin ikaw ay msasabing paaso aso...

Kung ikaw ay isang hudas sa relation mo at mga kaibigan ikaw ay masasabing paaso aso...

Kung ikaw at sinungaling na wala sa hulog ikaw ay masasabing paaso aso...

Kung ikaw ay isang pretender upang maisigaw sa buong mundo na ikaw ay magaling sa lahat ng bagay ikaw ay masasabing paaso aso...

Kung ikaw ay umiihi sa pader at kalsada ikaw ay masasabing paaso aso...

Kung ikaw ay SINUNGALING, TALK SHIT, PLASTIK, USER. Therefore;

Ikaw ay PAASO ASO...

Maraming uri ng pag ka aso aso...

Pwede na ring pamalit sa salitang "ang sama ng ugali mo", "ang tanga mo", "ang gulo mo", atbp.

Mas ok pakinggan...

Tamang tamang pang kompronta sa kaibigan...

Masaktan man siya, wala siyang karapatang mag pakita ng galit...

Dahil sinabi mo ito ng pabiro at kung magagalit siya parang sinabi na rin niyang guilty siya.

_______________________________________________________

Wag sana tayong MANG GAMIT ng IBANG TAO para sa SARILI NATING mga PAKAY...

Kung may gusto kang marating, kung may gusto kang makuha.

Wag man tapak ng ibang tao. Kunin mo to gamit ay yong mga kamay...

Gumamit man ng kamay ng iba, siguraduhin mong malinis ang konsensya mo...

(Hindi ko naman sinabing masama ang ugali ng mga aso, ginamit lang yung word dahil ang kulit pakinggan, wahaha!)

MERRY XMAS SA LAHAT!

MAY GOD BLESS YOU AND YOUR FAMILY...

MAGING MABAIT SANA NGAYONG TAON AT WAG MAGING PAASO ASO...

LAHAT NG TAO AY MAKASALANAN PERO SANA BAWAS BAWASAN.. HAHA!

NANDYAN LANG ANG KARMA AT KUNG KALA MO MASAYA ANG GANYAN...

SA HULI... DOON MO MALALAMAN NA GALIT NA PALA SAYO ANG MUNDO.