Tuesday, March 2, 2010

BIL BIL

Pagka gising ko sa umaga, walang mumog mumog... Walang pakialam at bubuksan ko na ang power button ng aming PC. mag lolog in sa face book at bubuksan na ang mga walang kamatayang ville ville na yan na ewan ko kung bakit ba na hu hook ako e wala naman akong napapala.

Bat di nalang kaya ako mag alaga ng isda? Bat di nalang kaya ako dumayo sa mga karinderya at kumain ng kumain... Pangarap ko bang maging magsasaka? Di ko naman siguro kaya yumuko maghapon kahit na makipaglaro sa mga naka ngiting manok, baka, kambing at iba pa... Pumitas ng prutas kaya mo? up in a tree, three meters high? hehehe.

TALAKAYIN natin ang FISHVILLE... na una kong kina hookan, hindi ko alam kung bakit... basta linalaro ko na yun dati pa e. haha!

Simple lang naman ang fishville, Bubuksan mo muna ang FB mo syempre... tapos hanapin ang fishville button, i book mark nalang para mabilis dalawin ang AQUARIUM mo sa susunod na pagkakataon...

Bibili ka ng isda na nagmumula sa itlog... I hahatch mo at paglabas nila ay nagraragasang mga Patay gutom na mga baby fish kuno ang lalalabas na demanding na pakainin mo sa unang yapak nila sa mundo ng LARO. Hihintayin mo lang ito lumaki. susubaybayan, pakainin araw araw at ibebenta mo pag dating ng tamang panahon. Ayos no? convincing? hahaha! mukhang hindi e. hindi nga? sige na!!

Maraming pakulo ang larong ito tulad ng mga antiques na ibababad mo sa aquarium para maluma pagkatapos ng ilang araw. ayos e no? ma gawa nga yan sa tunay na buhay... Meron ring mga buildables na pang dagdag addiction. Syempre curious ka kung ano ba ang itsura pag nabuo di ba? e obtainable lang naman yung mga to sa free gifts na pwede lang once a day. swerte mo kung may sampu kang kaibigan na uto uto na igi gift ka pag sinabi mong "GIFT ko?"

Pero pagkatapos mo sila ibenta saan kaya sila napupunta? sila ba'y nasa mga mabubuting kamay na? O diretso sila sa lata para i serve sa cafe world...

CAFE WORLD VILLE? haha!... Ito na siguro ang BEST REASON ngayon kung bakit ako nagpapatuloy mag facebook. AYOS e.. Pagkatapos ng restaurant city na winasak ng mga CHEATS... Lipat naman tayo sa KITCHEN ng INA MO RIN... dahil ang restaurant city ay ang kitchen ng ina mo... haha!

AYOS tong laro na to e. dahilan ng pag pupuyat ni cha cha to... minsan nakakainis na rin pero ngayong nakauwi na ako sa manila galing davao ay parang nangyayari na rin saakin ang paghihintay sa maximum life span ko sa puyatan para ma maximize ang PROFIT ko for the day sa CAFE WORLD... tama ba cha? haha!

Simple lang naman to, magluluto sa pamamagitan ng pag click, maghihintay, i seserve by clicking then wait... Stalk sa profiles ng friends kung may libreng tsibog, visit sa cafe ng friends para sa xp at barya, puyat... hintay, puyat... tunganga... ngiti... SUCCESS!! satisfaction! haha!

sa karanasan ko bilang chef sa aking virtual cafe... napatunayan ko na di pala uso ang extra rice sa mundo ng laro...

halos lahat ata ng nasabi ko negative e no? hehe.. Pero ayos talaga tong laro na to... Hinahasa rin ang iyong utak upang maging creative, wais, PUYAT... hindi mo na kailangan ng kape? KAPE WORLD eka nga!

TIP ko para sa mga makakabasa nito "TANGGALIN nyo ang PINTO nyo pag wala kayong i seserve para hindi bumaba ang BUZZ rating na nakaka apekto sa pag pasok ng mga patay gutom na aapekto sa bilis nang negosyo mo. ahaha!"

Isa pang magandang asal na maituturo sa iyo ng cafe world ay ang pagiging pasensyoso.. Dito masusubukan ang patience mo! lalo na kung mabagal ang net... hehe...

pero ano nga ba ang GOAL mo sa pag lalaro ng CAFE world? Tinanong mo na ba sa sarili mo yan? Kung ako ang tatanungin mo... HINDI ko alam, basta ang alam ko gusto ko lang laruin to araw araw at makita ang dapat makita..

hindi mo rin kasi masasabi na kaya ka lang naglalaro nito ay dahil nagpapalipas ka ng oras... Kusa kang lumapit at hindi mo lang napapansin na ang cafe world ang nagpapalipas ng oras sa pamamagitan mo! hehe...

Di na siguro natin dapat italakay pa ang FARMVILLE na nilalaro ng halos lahat ng nag FFB.

LALAKI, BABAE, BATA, MATANDA, BUNGAL, MABANGO, MABANTOT, POGI, PANGET, NORMAL, HINDE, OFFICE BOY, OFFICE GIRL, GWARDYA, OFFICE GIRL, LOLO, LOLA, GIRL, BOY, BAKLA, TOMBOY, BUTIKI, BABOY, ATBP.

Isang araw, nagulat ako at nag fafarmville ang NANAY ko! hehe, e ako nga e di ko yan binubuksan nuon dahil na wiwirduhan ako sa larong to na ginaya lang ang HARVEST MOON na pinag sawaan ko na.

pero kahit pala mukhang tanga ang character mo dito na laging naka harap lang sayo na parang nambwibwisit (Stiff neck position)... nakaka libang rin pala!

dahil kahit kinulang ito sa mga ilang elemento ng isang tunay na farming game, kakaiba ang konsepto... hindi rin lang pala complete imitation. damay na rin dito yung fish at cafe world ville. hehe...

ang isa sa mga concept kasi ng mga ville na ito ay ang mga neighbors mo. Siguro nakaka apekto na rin to kung bakit ka nga naadik dito. Gusto mo silang higitan. Pag nakita mo ang farm, cafe, aquarium ng kaibigan mo ay ma eengganyo ka at pipiliting makahabol para WALA lang... GUSTO mo lang... TRIP mo lang, wala kang magawa e.

GENIUS talaga ang naka imbento ng ganitong klaseng laro.

Kung walang mga ganitong games siguro linangaw na ang facebook... Dahil hindi natin maitatangge na siguro at posible na 70% ng tao na nagbukas ng facebook ay para MAGLARO! at hindi para maghanap ng makaka usap at maki tsismis sa buhay ng may buhay, damay na lang yon sa paglalaro, ang maki osyoso at makipag chat sa mga idle times ng laro na wala kang magagawa tulad ng pag napakain na lahat ng isda, na harvest at nataniman na lahat, on going ang servings at matagal pa ang mga lutuin...

Pero pasalamat sila... DAHIL kung HINDI dahil sa LARONG ito... MALABO LABO ang LINYANG KEEP IN TOUCH!

KAYA kahit gaano pa ka konti, karami ang isda mo sa fishville, kahit gaano kaliit, kalaki ang asyenda mo sa FARMVILLE, kahit gaano ka sarap ang mga imaginary foods mo sa resto mo, wala itong pinag kaiba dahil tulad nga ng nasabi ko kanina... pareparehas lang tayong pinalilipasan ng oras ng mga larong ito... binabaligtad nila tayo sa paraang NAKAKA LIBANG...

nangyayari ba sayo ito? "Buhay pa kaya mga isda ko?" "May servings pa kaya ako?" "Kailan ko kaya makukumpleto ang spice rack?" "sana maka dagit ako ng mystery egg" "ilan kaya nag fertilize sa farm ko?" "sana maraming nag post ng libreng pagkain"... kung naiisip mo ang mga ganyang bagay pagkagising mo, habang kumakain, tumatae, nagsisimba, at kung ano ano pang mga normal na pangyayari sa buhay ng tao. AYAN na ang sintomas na BINALIGTAD ka na NGA NILA! at hindi ka na naglalaro upang mag libang kung hindi, Pinaglalaruan ka na ng sarili mong laro at sila ang naglilibang sa pag gamit sayo! hahaha! gets? ang kulit ko e no? para bang sinisiraan ko at inaangat yung mga larong ito! pero ganyan naman talaga ang utak ng tao... MAGULO...

Wag nating hayaang baligtarin tayo ng mga larong to... NAKU NAMAN lord! pagkatapos ng RAGNA at ang pending case ko pa sa DOTA! wag naman sana ako mabaligtad ng mga larong ito! SHET!!! haha!

maglaro at mag enjoy lang, wag papa baligtad... hahaha!

Pagkatapos ko mag sipilyo at bago ako humilata sa KAMA, walang alin langan na magbubukas ulit ng pc kung pinatay na upang magbukas ng.........................................................................

tangna! labo labo na pinagsasabi ko!

PAHABOL: TAKTENG FARMVILLE yan... pagnakulong pala yung tao mo PSYCHIC na siya mag tanim at mag harvest. parang gago lang e.