Sunday, September 27, 2009

Ondoy

September 26, 2009 ISANG KAGIMBAL GIMBAL na araw na tatatak na sa utak ng bawat Pilipino. Masalimuot, kakaiba, bukod tangi, wet na wet, awa, iyakan, maging tawanan...

ONDOY, kakaiba ka, marami kang pininsala.

Maraming galit sayo.

Pero bilang mga tao, wala naman tayong magagawa sa mga pangyayaring gawa ng Diyos.

Tignan na lang natin ang mga positive side na nagawa niya upang ang mga masalimuot na ala ala ay pagtakpan ng katangi tanging karanasan na maibabaon mo bilang kwento sa susunod at susunod pang mga henerasyon.

maygad, WE SURVIVED! hehehe.

POSITIVE SIDE?

hahaha! tignan natin...

mukhang wala e...

Ganito na lang...

Bukod tanging kwento?

Oo meron... SYEMPRE...

THIS is MY STORY, walang pake alamanan.

Simulan natin ang kwento September 25 ng gabi...

Pababa ako ng hagdan sa may EAC (Emilio Aguinaldo College) at naramdaman ko na lang na lumulutang ako sa ERE. Tumama ang tagiliran ko sa hagdanan at talbog sa susunod na step pa ng hagdanan.

Hindi ako makahinga pag tayo ko. Pilit na kinakaya ang sakit na nararamdaman physically at ang sakit sa pride na nararamdaman. OO may nakakita. Kaya wala na akong pake, I share ko na sa buong mundo. HAHAHA!

May kasabihan nga tayo na ang taong nadadapa ay may karapatan pang bumangon, kahit paulit ulit.

Masakit, may pasa... Pero thankful na rin ako kay God dahil hindi ulo o mukha ang tumama sakin. AYOKONG umuwi ng BUNGAL no? haha! Aral na rin sakin yun na mag ingat ako sa paglalakad.

Hinding hindi ko na hahayaan na ako'y madapa muli.

At dahil sa masakit na karanasan. Nakatulog agad ako pag uwi. Mahimbing na tulog...

9/26/2009

Nagising na ata ako alas tres. WALA AKONG KA ALAM ALAM.

Naka text ko pa ang kaibigan ko. Sabi niya hanggang tuhod raw ang BAHA sa kanila.

Alam ko namang bahain talaga run... hindi ko alam na buong Maynila na pala ang baha.

Nag alala ako dahil ang girl friend ko malapit run ang work.

Mga 4pm tumawag sakin ang girl friend ko at sinabi niyang stranded na siya. Hanggang pwet na pala ang baha at wala ng masakyang jeep.

Ang option na lang niya ay maghintay run at magpababa ng baha o kaya naman ay maglakad mula PEDRO GIL hanggang PUNTA, SANTA ANA. Na hinding hindi mo gagawin kahit wala namang baha.

At dahil nabalitaan ko na baka hanggang bukas pa raw ang pag ulan, naisip ko na kung hindi titigil ang ulan, hindi bababa ang baha. Magdamag siyang maghihintay. Syempre maiinip yun at baka maglakad nga pauwi.

Syempre ako di ko naman hahayaan yun. Delikado eh, mataas raw ang baha run. Baka ano pang mangyari sa kanya.

Nagkaroon rin ako ng option na kung pupuntahan ko na lang siya run at sasamahan ko nalang siya o kaya ay papupuntahin ko na lang siya dito para dito na lang siya mag stay muna sa bahay namin.

Pinili ko ang pangalawa at tinext ko na ang kuya niya, ok lang naman raw sa mama niya. At tinext ko na rin ang papa niya. OK lang naman raw.

Ayan na, ang sabi ko nga WALA akong KAALAM ALAM. Sabi ko pa sa pamilya niya na kaya samin muna siya umuwi dahil may LRT pa at may JEEP pang masasakyan papunta samin. Hindi kasi baha sa labas ng bahay namin. Kakagising ko lang rin kasi. Pinapunta ko na siya at sumakay na siyang LRT.

Lumabas ako ng bahay nag side car papunta sa sakayan ng TAYUMAN. May nakita naman akong JEEP, natuwa ako dahil nakasakay ako, siguro naman hindi grabe ang baha sa TAYUMAN.

Biglang lumiko ang jeep malapit pa lang sa riles. DAGUPAN pala yun. ANG daming nag react na pasahero. ISA NA AKO RUN... "DAGUPAN PALA TO?" sabay baba... HAHAHA...

At dun ko na nakita ang hanggang tuhod na baha. LINAKAD ko ang baha na ranging from upper tuhod hanggang upper pusod.

Mula riles hanggang TAYUMAN...

Kasama na sa karanasan ang mga awa sa naglalakad rin na matatanda at mga babaeng may bitbit bitbit pang BABY, at syempre sa BABY. Isama mo pa ang mga mas maliliit na tao. Ang
upper pusod saakin ay hanggang leeg na sa kanila.

May lola nga akong nakita natapilok eh, buti na lang hindi napuruhan dahil nahawakan agad ng mga tao. KAWAWA naman.

Pero may nakakatawang pangyayari rin.

Naglalakad ako at huminto ako dahil nahalata ko na ang mga susunod na hakbang ay mas magiging malalim na.

Nakatungtong ako sa mas mataas na lupa at bago bumaba hinintay ko muna yung mama na natanaw ko.

Papaakyat palang siya sa mas mataas na lupa ay prineno muna siya ng aking nag iisang tanong.

"Kuya, hanggang saan po ba ang baha doon?"

Tinuro niya ang leeg niya, syempre kinabahan ako ng TODO TODO.

Pero pag tapak niya sa mas mataas na lupa hanggang leeg ko lang pala siya.

Tinuro niya ang LEEG niya at sabing...

Hanggang leeg ko pero hanggang dibdib mo siguro.

HAHAHA! Ang kulit... Nagawa pa niyang manakot at mag joke sa kabila ng lahat.

LAKAD, LAKAD, LAKAD, LAKAD, kung ano ano ang tatama sa binti mo pag minalas.

Saakin plastic na yero saka bakal na container. eh, sa iba kaya. Buti na lang yung yero naka tayo, kung naka higa kasi yun baka nasugat ako. Baha pa naman. DELIKADO.

Syempre kung ano anong dumi na ang nakahalo sa baha, pero hindi mo na yun maiisip sa pagkakataong ito.

SA WAKAS! natanaw ko na ang LRT. at pag ahon na pag ahon ng mga paa ko sa baha. Napaka gaan ng pakiramdam... Parang ang gaan gaan ko. ANG SARAP.

POTA! bakit walang signal? nasaan na ba si CHACHA?...

Buti na lang saktong sakto na pag punta ko sa 711 na katabi ng babaan ng LRT kakababa niya lang rin.

HEHEHE...

AT AYUN...

LINAKAD uli namin yung LINAKAD ko.

MAHABA, MAHIRAP.

pero ATLEAST magkasama na kami.

PALAGAY na ang LOOB ko.

KINAYA naman namin.

NAKARATING naman kami samin.

SALAMAT po at walang baha sa lugar namin.

SANA ay marami tayong natutunang mga PINOY sa masalamuot na pangyayaring to.

ISA na run ang UNITY.

Di natin maitatanggi na sa pagkakataong ito. Kahit hindi magkaka kilala ay nagtutulungan.

Lalo na yung mga na stranded na grabe at yung mga lumusong sa hanggang leeg na baha.

Sana ay wag na tong maulit...

At manatili na lang na BUKOD TANGI at KAKAIBANG karanasan.

YUNG mga nasira, hindi na natin maiibabalik, maging thankful na lang tayo na hindi tayo nasaktan...

At yung mga nasaktan at namatay naman ay ipagdasal nalang natin... Kawawa naman sila...

Wala na tayong magagawa.

Siguro ang positive side diyan ay ang ARAL na rin saatin na sa susunod ay mas maging maingat na tayo at magtulungan.

At gawin na rin sana natin ang lahat upang ma lessen ang mga pinsala kung mauulit man sa susunod ang bagyo na yun.

Wag na rin tayong mag tatapon ng basura kung saan saan dahil isa rin tong cause kung bakit ganun kataas ang baha.

Marami akong natutunan at na realize sa araw na yun...

At sigurado ako, na bawat tao na lumabas nung araw na yun, ay marami ring natutunan.

Ang bawat nilalang ay may karapatang bumangon sa pag kakadapa kahit paulit ulit...

HAHAHA! ang drama e no? KALA mo totoo!

Monday, September 21, 2009

Oras

"Ang oras na ikukumpara mo sa yosi ay ang oras na unti unting nauubos. Kala mo masaya ka pero pag dating sa mga dulo ng upos at pagkatapos ng malalimang pag iisip. Doon mo malalaman na wala ka palang napala. Sandaling ligaya katumbas ng pang matagalang pinsala sayong buhay at pagkatao." - saniwani

Nasa utak ko yan, OO.

Alam ko na yan ang tama at alam ko na yan ang makapagpapabuti at makapag papaganda sa buhay ko balang araw.

Pero bakit ganon?

Di pa siguro sapat ang determinasyon ko para gampanan ang mga sinasabi ng utak ko.

Paulit ulit na paalala at pangaral sa sarili;

Halos isang buwan na lang sani, kailan mo ba paninidigan ang mga pangako mo sa buhay mo? Kailan mo ba bubuklatin ang mga libro mo at mangangakong magiging faithful ka sa kanila at di mo sila lulubayan kahit sa mga natitirang araw na lang?

Sani wag mo muna akong laruin. Tama na muna ang DOTA, tiis lang kahit sa mga natitirang araw na lang. Pag nakuha mo naman ang dapat mong makuha pwede tayong mag sama kahit magdamag kung gugustuhin mo e.

Sani wag na wag kang mag lolog in ha? Kahit ba sabihin mong may titignan ka lang. Mawawala ka na sa focus pag may nag comment, natural mag rereply ka at maghihintay ulit ng reply. Mawawala ka sa focus pag may nakausap ka. Mawawala ka sa focus pag may nakita kang kakaiba.

Sani tama na muna ang pag nenet, tama na muna ang panunuod ng videos, pag babasa ng kung anu anong kahit sabihin mong may matutunan ka ay di ka naman nito matutulungan sa problemang dapat mong unahin, dahil nauubos na ang oras.

Sani tama na muna ang saya.

Tulad nga ng pumasok sa utak ko kanina habang nagyoyosi ako.

Ang pag gugol ko sa oras ko ay parang pagyoyosi.

Puro saya, at pag ako'y nag iisip na. Alam kong maling mali at wala akong MAPAPALA.

Oo nag aaral naman ako. Pero aminado ako ng marami akong sinasayang na oras.

Ang himutok ng utak ko ngayon ay ang galit sa sarili na bakit ba hindi ko muna maisantabi ang mga bagay na yun.

Bakit ba hindi ko muna maisantabi ang lighter at posporo upang hindi na muna masindihan ang yosing sisira sa buhay ko?

Sana magawa ko. Sana maging deserving ako sa mga dasal ko, at sa mga suporta at tiwalang binabato saakin ng mga taong naniniwala.

Tama na muna sana ang mga oras na maikukumpara sa pagyoyosi.

Itabi na muna sana ang mga posporo at lighter, ipatay muna ang baga at kunin na lang at muling sindihan pagkatapos ng problemang dapat unahin dahil nauubos na ang oras.

Pagkatapos ng PROBLEMA...

Masarap IBUGA ang USOK mula sa damdaming SUMISIGAW ng BWAHAHA!!!

* Oct. 28, 2009. Licensure Examinations for Customs Brokers.
Malapit na, Isa sa mga araw na magiging highlight ng buhay ko..
Sani, PLEASE? behave? ok?...








09 21 09

Sa wakas, sinipag rin gumawa ng blogspot.

Para kasing ang corny na mag blog sa friendster.

Laos na friendster.

HAHA! feeling naman may mga avid readers eh no?

Wala lang...

Link ko na lang yung mga post ko run...

http://saniwani.blog.friendster.com/