Monday, November 16, 2009

Tambay upgraded

Unang una sa lahat CONGRATS sa aking SARILI sa pag pasa sa CUSTOMS LICENSURE EXAMINATION..

CONGRATS SANIWANI... PROUD AKO SAYO... ANG GALING MO TALAGA!!

Hahaha!!.. Ok lang naman siguro puriin ang sarili dahil pinag hirapan ko naman to..

Kung ano yung na achieve ko ngayon ay dahil na rin sa aking pag pupursigi at paki alam sa aking BUHAY sa LOOB ng ilang BUWAN.

Ilang buwang paglalakad mula bahay hanggang moriones...

Ilang buwang pagsakay ng JEEP papuntang ZARAGOZA...

Ilang buwang pagsakay sa JEEP, pag ilag sa mga nag lalakihang truck, pag iingat sa bulsa at bag laban sa mga posibleng mandurukot papunta sa JEEP nga na sasakyan ko papunta namang Intramuros.

Ilang buwang paglalakad mula ANDA CIRCLE hanggang MERCANTILE building...

Ilang buwang paglalakad mula PINTO ng CLAP hanggang sa aking upuan...

Ilang buwang pag pupunas ng pawis...

Ilang buwang pakikinig...

Ilang buwang pag seseryoso (kahit konti, basta naman di ko pinababayaan kung ano talaga ang dapat)

Ilang buwang pag sasayang ng oras sa gabi upang mag basa basa kahit papano...

Ilang buwang pag sagot ng mga exams...

Ilang buwang pag shashade ng ANSWER SHEETS...

Ilang buwang TAWANAN...

Ilang buwang KABA...

Ilang buwang HINDI MAKATULOG...

Mga buwang nakaka BUWANG...

kaya tama na ang mga buwan buwan na yan...

TAPOS na TAMA na... BASTA NGAYON ako ay MASAYA...

May KINALABASAN naman ang mga BUWAN na yun...

Kapalit ng mga PAWIS ko...

Kapalit ng mga ORAS na SINAKRIPISYO ko...

SALAMAT sa DIYOS. Lahat ng DASAL ko ay natupad.

DASAL at EFFORT lang naman yan.

Hindi pwedeng puro effort.

Hindi pwedeng puro dasal...

TAMA na TAMA na! Itigil na ang BUWANG BUWANG nakaka BUWANG...

Ito na ang tunay kong saloobin...

Ok, I did it.

But what's next?

OO masaya ako walang duda

Pero...

I don't know why I don't feel the same excitement and joy that others did when they did know that they passed..

Is it because my life is still the same?

The same me before THOSE efforts...

The same old SANIWANI na KUMAKAIN, NATUTULOG, NAG DODOTA, NANGUNGULIT...

The same old TAMBAY na walang ginawa sa spare time kung hindi mag pagulong gulong sa kama...

But UPGRADED.

SANA SWERTIHIN pa ako...

SANA PATULOY pa AKONG GABAYAN ng DIYOS...

SANA TUPARIN KO LAHAT NG mga PINANGAKO kong PAGSISIKAP...

SANA SANA SANA SANA SANA SANA...

ANG BUHAY NG TAO ay nakabalot sa WALANG KATAPUSANG PANGARAP...

WALANG KATAPUSANG HANGARIN...

WALANG KATAPUSANG GERA...

PERO MASAYA.

walang kapantay na ligaya...



No comments:

Post a Comment