Saturday, July 3, 2010

Sanay sayo...

Pag ka gising sa umaga titignan ko agad ang celphone ko. Nag text ka kaya o hindi? Kung Oo parang wala lang. Sanay na kasi. Pag hindi medyo dismayado, bakit? Sanay na kasi.

Sanay na sayo. Sanay na laging kang nandyan. Nasaan? Syempre saan pa ba? Nandito sa buhay ko.

Pag dating ng alas dose kumain ka na kaya? asan ka na ba? papasok ka na ba? ma lalate ka na ba? Nahirapan sa pag byahe? Mga tanong na nakakairita sa mata ng iba. pero ako? wala akong pakialam.

Sanay lang ba? Ang sagot ko'y OO. hinding pag kasanay na parang rutina.. ngunit pagkasanay na laging nakasubaybay sa buhay mo. Nakusubaybay hindi dahil sa paraang chismoso o yung tipong nananakal na dapat ganito, dapat ganyan. Ngunit nakasubaybay dahil totoong concern ako sa nangyayari sa buhay mo.

Sobrang lapit natin sa isa't isa. Para ngang isang tao na lang tayo diba? Isang taong may multiple personalities. Hindi nagkakasundo sa lahat ng bagay. nagtatalo, nag aaway. Mag kaibang opinyon at pananaw na nagdudulot ng hindi pag papansinan. Pero bakit ganito?

Wala ka man sa rutina ng buhay ko, ay nandito ka pa rin sa isip ko. Na hindi ko matiis, hindi ko mapigilan. Hindi ko sadya.

Kanya kanyang pride pero Darating rin ang pagkakataon na magiging ok na ang lahat.. Nandyan ang sumbatan pero mas nananaig pa rin yung meron tayo...

Nananaig pa rin yung pagmamahal at yung pagkasanay ko na araw araw kang nandito sa buhay ko.

Papasok sa klase, mag tatrabaho. mapapagod, iinit ang ulo. Sasaya, kikita, Ma bwibwisit, mababadtrip, mababasa ng ulan. Kakain sa labas, babyahe.. Magkasama, magkalayo...

Pero pag katapos ng lahat ng gawaing pang araw araw..

matutulog na ako, matutulog ka na..

Matutulog ka na kaya? Tatawagan pa kaya kita? Masaya ako, dahil nakita kita.. At kung hindi man medyo dismayado, pero minsan ok lang..

Masaya ako dahil parte ka ng buhay ko, at lagi kang nandyan.

Mahal na mahal kita at wala ka ng magagawa diyan...

Pasensya na, sanay lang kasi sayo.

love you 499 days na tayo! haha landi!

No comments:

Post a Comment